KASADO na ang pagsisimula ng pinakabagong serye ng GMA 7, ang “Karibal Ko Ang Aking Ina.”
Panibagong handog na naman ito ng Kapuso Network na pakaaabangan ng manonood dahil sa kakaibang kwento nito na pinangungunahan nina Sunshine Cruz, Zoren Legaspi, Bing Loyzaga at pagbibidahan nina Bea Binene, Benjamin Alves kasama si David Licauco.
Sa naganap na storycon, sinabi ni Direk Gil Tejada, Jr. na siguradong mahu-hook ang viewers sa nakakaintrigang istorya nito at dapat abangan ang mga pasabog na eksena ng cast!