ODIONGAN, Romblon (PIA) – Hinihimok ni Dr. Arnulfo de Luna, Presidente ng Romblon State University, ang mga nagsipagtapos sa K-12 na balak mag-enrol sa naturang unibersidad na kumuha ng agriculture courses.
Ito ang kanyang sinabi sa Kapihan sa PIA-Romblon ng makapanayam ng mga miyembro ng Romblon Media Association kung kaya ibig niyang palakasin ang agriculture courses na iniaalok ng Romblon State University (RSU)-main campus.
“Nais naming maipakita sa mga magulang at mga estudyante ang business side ng agrikultura kung saan kayang pa-asensuhin ang buhay ng sinumang nais pasukin ang larangan ng pagtatanim, pag-aalaga ng hayop at pangingisda.
Agriculture is not tailing the land,” pahayag ni Dr. De Luna
Sa darating na Hunyo aniya ay ililipat na ng RSU Main Campus ang College of Agriculture, Fisheries and Forestry sa Barangay Agpudlos, San Andres, Romblon kung saan ang RSU ay mayroong pag-aaring lupain dito na lawak na 87 ektarya na maaaring magamit ng mga estudyante sa paglinang ng kanilang kakayahan.