by Alex Calleja
Ang column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!
Hi Alex,
Kakatapos lang ng PBA finals at simula na ang NBA playoffs kaya naman ang mister ko, ang hirap kausapin. Nakababad lagi sa TV at ayaw paistorbo. Kapag kinakausap mo, focus sa basketball game, hindi nakikinig at ayaw lipad ang isip! Hindi ko talaga maintindihan bakit kayong mga lalake eh ang hilig manuod ng basketball! Ano ba makukuha niyo dyan! May bola, pinapatalbog-talbog, agawan ng bola, dapat ma-shoot sa ring! Takbo lang ng takbo, hindi ko talaga gets! Ano ba ang gagawin ko para makausap ng matino ang mister ko habang nanunuod ng basketball?
Delia ng Makati
•
Hi Delia,
Huwag mo ng tangungin kung bakit gusto namin basketball! Kung hindi mo maintindihan kung bakit, wag mo ng alamin. Hindi nga namin kayo pinapakialaman kapag nanunuod kayo ng teleserye eh. Kung gusto mo makausap ang mister habang nanunuod ng basketball game, dapat during halftime o kaya time-out! Huwag sa last two minutes at dikit ang laban, hindi ka niyan papansinin! Tignan mo rin ang score, kapag tambak ang kalaban, pwede mo ng kausapin yan! Wag mong papatayin ang TV, gulo yan! Teka, simula na pala ang Warriors at Spurs, ktnxbye!
•
Hi Alex,
OFW po ang mister ko at isang beses lang siya umuwi sa isang taon. Pero may nagsabi po sa akin na kaibigan ko na nakita raw po ang mister ko sa Batangas na may kasamang babae! Sigurado po raw siya na mister ko yun dahil ng tinawag niya ang pangalan, lumingon! Manloloko po talaga lahat ng mga lalake! Ano po ba ang gagawin ko para mahuli ko siya!
Dolor ng Novaliches
Hi Dolor,
Easy lang! Huwag kang pabigla-bigla! At higit sa lahat, huwag kang magbintang! Huwag mong idamay ang mga mababait na lalakeng tulad ko. Kawawa naman ang mister mo! Nagtratrabaho sa ibang bansa tapos mapagbibintangan ng walang kalaban-laban! Kung nakita siya sa Batangas, sana may picture! Kasi sa totoo lang, madaming magkakamukha sa mundo! Baka kamukha lang! Yung tinawag at lumingon, hindi rin kasiguruhan yun! Kasi minsan, kapag may tumatawag sa’yo, mapapalingon ka kahit hindi mo pangalan! Mas problema ko ang kaibigan mo, tsismoso at pakialamero!
•
Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: [email protected]
facebook/twitter/instagram: alexcalleja1007