MALOLOS, Bulacan (PIA) – Ikinumpol bilang isang taniman ang mga lupang sakahan sa mga bayan ng Balagtas, Plaridel, Bustos, San Rafael at San Ildefonso.
Tinawag itong Big Rice Farm Project, ikinumpol bilang isang taniman ang mga lupang sakahan sa mga bayan ng Balagtas, Plaridel, Bustos, San Rafael at San Ildefonso.
Ayon kay PAO Head Gloria Carillo, sabay-sabay ang gagawing pagtatanim ng Palay sa may 50 ektaryang sakahan sa nasabing mga bayan.
Aabot sa may 188 mga magsasaka ang makikinabang sa proyekto na may potensyal na makaani ng mahigit 200 kaban kada ektarya.