By RUEL J. MENDOZA
NAGTATAKA ang Kapuso actor na si Ken Chan kung bakit hinihintay daw siya ng maraming netizens na mag-out tulad ng ginawa ng singer-actor na si Mark Bautista?
Marami na raw nababasa si Ken tungkol sa paghuhusga ng marami sa kanyang pagkatao. Pero binabale-wala na lang niya lahat ng iyon.
Kaya once and for all, pinagdiinan ni Ken na wala siyang gagawing pag-out sa sarili niya dahil wala naman daw siyang tinatago.
“Gusto ko lang pong ipaabot sa kanila na hindi po ako bisexual.
“I have nothing against people who embrace being bisexual. I respect them. ‘Yun nga lang po, hindi po ako gano’n,” diin pa ni Ken.
“Nakakabasa nga po ako sa mga websites na kelan naman daw mag-out ang mga aktor na ito at kasama ang name ko sa list.
“Pinagtatawanan ko na lang kasi bakit ako isasama sa listahan na ‘yan, eh confident po ako sa sarili ko.”
Nagsimula daw ang pagdududa sa sexuality ni Ken noong magbida siya sa teleserye na “Destiny Rose” kunsaan gumanap siyang isang transgender.
“Hindi po nila maihiwalay ang totoo sa trabaho lang.
“Ngayon kung may problema po sila sa akin, wala na po akong magagawa. God bless them po.
“Hindi ko po ise-stress ang sarili ko para lang mapagbigyan ko ang gusto nila kahit wala naman po silang basehan talaga,” diin pa ni Ken.
Siguro raw ay kailangan na ni Ken magkaroon ng girlfriend para matigil na ang tsismis na isa siyang beki.
“Iniisip ko na ngang gawin iyon para lang matigil lang ito.
“Pero hindi ko gagawin iyon para lang mabigyan sila ng satisfaction,” diin ni Ken.
Huling girlfriend ni Ken ay noong ginagawa pa niya ang “Destiny Rose.” Nag-break sila after four years dahil nawalan ng oras si Ken sa relasyon nila.
Kasama si Ken sa bagong primetime teleserye ng GMA-7 na “The Cure.”