By DANTE A. LAGANA
MATINDI raw talaga kung magmahal ang komedyante nang magkuwento ang ating source dahil minsan din noon nakatrabaho niya ang komedyante sa isang comedy bar.
Saksi ang source kung paano mag-alaga at magmahal ang komedyante sa kanyang boylet na noon ay isang waiter. Siya ang gumagastos sa pangangailangan ng guy. Hanggang sa kunan niya ng sariling motor ang apple of the eye niya na labis na ikinasaya ng boy.
During that time, hindi pa naman ganoon kalakihan ang kita ng komedyante pero nagpupursige siya dahil siya ang sumasagot sa paghuhulog ng motor ng kanyang dyowa. Mahusay ang komedyante mabilis ang utak sa pagpapatawa kaya hindi kataka-taka na sumikat ito. Hindi na kinukuwestiyon ang kakayahan nito dahil may angking talent talaga kaya umusad nang umusad ang career.
Dagdag pa ng source, sa sobrang pagmamahal daw noon ng komedyante umabot pa raw na siya na ang sumasagot sa pa ngangailangan ng pamilya ng kanyang karelasyon.
Natapos din daw noon ang relasyong iyon dahil ang pagkakaalam ng source nagkaasawa’t anak na ang dating kinababaliwan ng komedyante.