By Jel Santos
Magtatalaga ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng 1,474 personnel para panatilihin ang maayos na daloy ng trapiko sa gaganaping 51st Asian Development Bank (ADB) Annual Meeting of Governors sa Mandaluyong City sa May 2-6.
Ayon sa agency, pangungunahan ng Task Group Traffic Management ang paglalagay ng personnel at equipment sa ADB route para sa malinis na biyahe ng mga delegado mula airport patungo sa mga hotel at iba pang lugar na pagdadausan ng pagtitipon.
Tinatayang nasa 3, 000 delegates na binubuo ng finance at development ministers at central bank governors ng 67-member-economies ng bangko ang inaasang dadalo sa five-day event, ayon sa MMDA.