By Robert R. Requintina
MAKARAAN mabuwag ang grupo nila 35 taon na ang nakakaraan, muling nagbabalik ang sikat na Swedish group na ABBA at mayroon itong dalawang bagong awitin.
Ito ay inihayag ng quartet na kinabibilangan nila Agnetha Fältskog, Benny Andersson, Björn Ulvaeus at Anni-Frid Lyngstad sa kanilang Instagram.
Ayon sa ABBA, ang kanilang unang awitin ay may pinamagatang “I Still Have Faith In You” na ilalabas sa December kung saan mapapanood at mapapakinggan ito sa isang special sa NBC/BBC. Hindi pa nila pinangalanan ang isa pang awitin.
“The decision to go ahead with the exciting ABBA avatar tour project had an unexpected consequence. We all four felt that, after some 35 years, it could be fun to join forces again and go into the recording studio. So we did. And it was like time had stood still and that we only had been away on a short holiday. An extremely joyful experience! We may have come of age, but the song is new. And it feels good,” ayon sa kanilang post sa IG.
Matatandaan na ilang beses nang napabalitang hindi na raw magkakasama-sama muli ang ABBA dahil sa hindi na raw nagiging normal ang takbo ng kanilang buhay. Subalit noong April 27, sinorpresa nila ang kanilang fans sa pamamagitan ng isang announcement sa social media.
Sumikat ang ABBA sa buong mundo mula 1974 hanggang 1982. Pero ang hindi malilimutan ng mga music fans ay ang kanilang worldwide hit na “Dancing Queen” kung saan ito ay naging No. 1 sa Billboard Chart sa US noong April 9, 1977. Sa ngayon, ang “Dancing Queen” pa lamang ang kanilang No. 1 song sa US.
Ang ilan pa sa mga pinatanyag na awitin ng ABBA ay ang “Take A Chance On Me,” “The Winner Takes It All,” “Waterloo,” “Fernando,” “I Do, I Do, I Do, I Do, I Do,” “S.O.S,” “Knowing Me, Knowing You,” “Chiquitita,” atbp.