By Dhel Nazario
Tatlong hinihinalang tulak ng droga ang naaresto ng police sa isang buy-bust operation sa Taguig City na nagresulta sa pagkakakumpiska ng 25 grams ng shabu sa Taguig City noong Martes.
Dinakip ng anti-narcotics operatives ng Southern Police District (SPD) ang mga suspect na sina Sangki Makakua, 58; Johaira Mayo alias “Neng”, 51; at Maricel Hasegawa, 38, mga residente ng Bldg 5, Unit 207, Maharlika Condominium, Maharlika Village, Taguig City.
Ayon sa report, isinagawa ng District Drug Enforcement Unit (DDEU), SPD sa pamumuno ni Chief Ispector Jerry Amindalan ang drug sting sa nasabing condominium dakong 6 a.m.
Nakabili ang police ng R3,000 halaga ng shabu sa suspects bago pa man sila naaresto.