By Delia Cuaresma
Isang hindi inaasahang pangyayari na naman ang gumulat sa sikat na TV personality na si Maine Mendoza ng dumayo siya kasama ang ilang hosts ng long-running noontime show “Eat Bulaga!” sa Tondo nitong Miyerkules.
Datapwa’t nanakawan ng halik sa pisngi ang dalaga ng isang lalaking fan sa isang barangay doon.
Muntik matumba si Mendoza sa lakas ng paghatak ng hindi mapigilang fan sa kanyang leeg.
Ani ng wala nang nagawang si Maine, “Grabe!”
Bago si Mendoza, una nang ninakawan ng halik ng gigil na fan ang mga “Eat Bulaga!” co-hosts ni Mendoza na sina Paolo Ballesteros, Jose Manalo, at Wally Bayola.
Hindi ito ang unang pagkakataon na naka-enkuwentro si Mendoza ng tagahangang hindi makapagpigil.
Noong Marso lamang, nasuntok siya sa braso ng fan na tila baga gigil na gigil sa kanya.