By ROBERT R. REQUINTINA
Kung meron mang hindi makakalimutan ang Philippine representative sa Mister National Universe 2018 pageant na si Kenny Filarca noong kabataan nya, ito ay ang nakipagsuntukan sya sa isang makulit na classmate.
“Class president po kasi ako nun. Ang kulit nya kasi eh. Ayaw tumahimik,” ayon kay Filarca sa isang exclusive interview na ginanap sa Timog, Quezon City kamakailan.
Ayon kay Filarca, hindi naman sya sinuspende sa school nang ginawa nya yun pero binigyan sya ng last warning ng kanyang mga teacher.
Sinabi ni Filarca na simula nun, never na syang nakipagsuntukan. At sa darating na Mister National Universe contest na gagawin sa Thailand, magiging advocacy na nya ang anti-bullying sa male pageant. Nakatakdang ganapin ang male pageant sa Hua Hin sa June 19.
Ayon kay Kings of K Events Productions Managing Director Ferdinand Abejon: “Kenly’s participation in the international pageant will be a wonderful showcase of determination amid adversity. He hopes to share his good attributes to all the participating candidates.”
Dagdag naman ni Filarca: “I am thankful for this opportunity. It means I will have the platform to share my advocacy not only here in our country but as well in international community.”
Si Filarca ay isang banker at restaurateur na nagmamay-ari ng ilang restaurant sa Ilocos Sur.