By Delia Cuaresma
Tila matatagalan pa bago makitang muli sa pinilakang tabing si Maine Mendoza.
Ayon sa dalaga sa ngayon daw ay naghahanap pa rin sila ng magandang proyekto na aakma sa panlasa ng kanyang mga tagasubaybay.
“Yun po ‘yung parang gusto ko rin na gawin, ‘yung light lang talaga. ’Yung marami po talagang millennials na makaka-relate,” aniya sa isang report sa “24 Oras,” Miyerkules.
Pero maiibsan naman kahit paano ang lungkot ng mga fans niya dahil muling masisilayan si Mendoza sa “Daig Kayo Ng Lola Ko” ngayong Linggo pagkatapos ng “24 Oras Weekend.”
Ayon sa isang release si Mendoza ay mag-a-ala Lara Croft sa episode. Ang tanong rito, paano?
Pinasikat ng Hollywood actress na si Angelina Jolie ang character ni Lara Croft sa “Tomb Raider” film series.
Maakyson ang character na ito.
Inihayag ni Mendoza na medyo “palaban” nga ang role niya sa show na si Laura Butangera pero kuwela.
“Gusto ko light lang talaga bilang alam naman po ng lahat kung ba’t gusto ko comedy lang,” saad niya.