By Rowena Agilada
Just wondering, ano kaya’ng reaction ni Sharon Cuneta sa ipinost sa socmed ni Gabby Concepcion na throwback photo nila ni Janice de Belen? Umani ito ng maraming likes at positive comments mula sa netizens.
Iniinis kaya ni Gabby si Sharon, kaya ginawa niya ‘to? Isang fan-friend ni Gabby ang nagpadala sa kanya ng throwback photo nila ni Janice na ipinost niya sa socmed.
Si Gabby ang first boyfriend ni Janice bago si Aga Muhlach.
Walang naging problema noong nagkasama sina Gabby at Janice sa isang episode ng “Magpakailanman” sa GMA7. May mga nagwi-wish na magkasama rin sila sa isang teleserye o pelikula. Posible naman ‘yun dahil pareho sila ng manager, si Popoy Caritativo.
Wala naman sigurong kaartehan o kakiyemehan si Gabby, if ever may project para sa kanila ni Janice. Hindi gaya ng naudlot na reunion movie nila ni Sharon. Isang taong malapit kay Gabby ang nagsabing ayaw niya raw talagang gawin ang pelikula. ‘Yun lang ‘yun!
No pressure
Seven years na together sina Megan Young at Mikael Daez pero ayaw nilang magpa-pressure sa mga nagsasabing dapat ay magpakasal na sila. Enjoy-enjoy lang muna sila sa kanilang relasyon.
Sa isang interbyu, sinabi ni Megan na kapag nasa 30 something na siya, gusto niyang magkaroon ng sariling pamilya.
She’s 28 years old now at aniya, ayaw niyang magkaanak kapag matanda na siya. Gusto niyang maging hands-on mom. Of course, si Mikael ang gusto niyang maging ama ng mga magiging anak niya.
Sanib-puwersa
Sanib-puwersa sina Vic Sotto at Coco Martin sa isang pelikula para sa Metro Manila Film Festival 2018. Sila rin ang producers (M-Zet ni Vic at CCM ni Coco) nito. Co-producers nila ang APT Films at Octo-Arts Films.
May mga nagsa-suggest na kunin nilang leading ladies sina Maricel Soriano at Maine Mendoza. We think it’s a good idea. Pangabog sa ibang festival entries kung matutuloy ang pagsasama ng apat. Wala sa-nang kokontra!