By Delia Cuaresma
Hindi man siya gaanong visible sa pelikula at telebisyon, patuloy pa rin ang pagpapakabog ng aktres na si Yen Santos sa social media particular na sa Instagram kung saan madalas itong mag-post ng mga pictures na naka-bikini siya.
Kamakailan lamang umani na naman ng sanrekwang approval ang 25-anyos na dalaga matapos nitong mag-post ng litrato na naka red bikini top.
May ilang nakapansin na tipo lumaki raw ang hinaharap ng Star Magic artist. Mabilis naman pinabulaanan ni Santos ito.
Aniya, “Maliit po kasi yung bikini top kaya ganyan sa picture.”
Ang isa naman follower, napansin ang pulang marka sa balat ng aktres. Tinanong niya kung ito raw ba ay kiss mark.
Pinaunlakan naman nito ng sagot ang katanungan ng fan.
“Pag maaraw namumula talaga ako. Hindi yun (kiss emoji)…”