By Delia Cuaresma
Ibinahagi ng aktres-singer na si Vina Morales ang kasiyahan sa pagkakasagot ng kanyang panalangin nang nag-post ito sa Instagram nitong Martes, isang araw matapos mahatulan ng guilty sa charges na kidnapping si Cedric Lee, dati niyang irog at ama ng kanyang anak na si Ceana.
Sinulat niya sa caption ng ipinost niyang larawan ng cross sa loob ng St. Padre Pio Chapel sa Quezon City: “Salamat po Panginoon. Padre pio, Mahal kong pamilya, Matatalik kong kaibigan at sa iyo Atty @lucillesering. To God be the Glory.”
Si Sering ay ang legal counsel ni Morales sa kaso niya laban kay Lee.
Sa kanyang complaint, inakusahan ni Morales si Lee ng pag-violate sa kanyang visitation rights nang i-detain diumano nito ang kanilang anak ng ilang araw sanhi ng pagkakaroon ng huli ng “slight behavioral changes.”
Sa decision ng Mandaluyong City’s Regional Trial Court na ini-release nitong Lunes, hinatulan si Lee ng “guilty beyond reasonable doubt” sa kaso.
Natawa naman ang iba nang malaman na pinagbabayad lamang ang mayamang businessman ng danyos na R300 bukod sa moral at nominal damages na nagkakahalagang P50,000.