By Rowena Agilada
SOBRANG na-frustrate ang international fashion designer na si John Herrera sa hindi pagsuot ni Kim Chiu ng nilikha niyang gown for her para sa nakaraang Famas Awards Night (FAN).
Sa ulat ng PEP.ph, nagpahayag si Herrera na kinausap siya ng Famas organizers na mag-sponsor ng isusuot ni Kim na host sa naturang event.
Noong ipadala niya ang gown sa bahay ni Kim for fitting, nagbilin daw ang team ni Kim na iwanan na lang ‘yun sa guard house. Pag nagustuhan daw ni Kim, isusuot nito ang gown, pero pag hindi nito type, hindi susuutin.
Apparently, hindi type ng Kapamilya actress ang gown dahil ibang gown ang isinuot nito noong Awards Night.
Disappointed si Herrera na aniya, nag-invest siya ng time, effort and money. Worth P100,000 daw ang gown na ginawa niya for Kim. Pinag-isipan niya ang design dahil hindi naman daw model size si Kim. Malaki ang hips nito.
Never again niyang iisponsoran ng damit at/o gown si Kim, ayon kay Herrera.
Pag-iisipan pa
Nakausap ng ilang entertainment writers si Agot Isidro noong Famas Awards Night at natanong siya tungkol sa pagtakbo niya bilang senador sa 2019 elections.
Aniya, may mga kumakausap nga sa kanya at kinukumbinse siyang kumandidato bilang senador. Pag-iisipan pa raw niya dahil masaya pa siya sa pagiging artista niya. Nag-e-enjoy pa siya sa pag-arte at paggawa ng pelikula.
Mukha ngang naisantabi muna ni Agot ang pagiging singer at focus siya sa pagiging aktres.
May mga nagpapayo naman kay Agot na kumandidato muna siyang mayor sa Marikina. Tagaroon ang kanyang pamilya at malaki raw ang tsansa niyang manalo, if ever pasukin niya ang larangan ng pulitika.
Guessing game
Guessing game pa rin kung tatakbo sa pagka-senador si Dingdong Dantes. Wala pa rin siyang diretsang pag-amin sa lumalakas na bulung-bulungan na papasukin na rin niya ang mundo ng pulitika.
Nag-aaral siya ng Public Administration, kaya lalong tumitindi ang hinalang interesado siyang maging public servant.
Kahit wala pa siyang kumpirmasyon, natutuwa siya at nagpapasalamat sa mga taong nagsasabing susuportahan siya sakaling pasukin niya ang mundo ng pulitika.