By Rowena Agilada
KOREKSIYON sa naisulat namin ukol sa mga alahas na suot ni Kris Aquino sa mediacon ng “I Love You, Hater.” Three-bedroom condominium unit pala sa Rockwell at hindi sa Wack Wack subdivision ang katumbas na halaga nito. Sorry po!
Tao lang.
As always, deadma lang si Mayor Herbert Bautista sa mga pasabog ni Kris sa nasabing mediacon. No comment si Mayor HB.
No talk, no intrigue nga naman.
Ayon kay Kris, ilang phones na ang naibato niya kapag nabubuwisit siya dahil kay Mayor HB.
Curious ang madlang pipol kung ano raw kaya meron si Mayor HB at hindi maka-move-on si Kris? Ano kaya’ng kakaibang kamandag meron ang chinitong politico?
Kinabahan
Si Giselle Andres ang direktor ng “I Love You, Hater.”
Aniya, kinabahan siya nang sabihin sa kanya ng Star Cinema na makakatrabaho niya si Kris.
“Noong una, akala ko mahirap siya katrabaho. Pero wala palang problema working with her. Madali siyang kausap at masayang katrabaho. She’s very professional,” wika ni Giselle.
Aniya pa, halata niyang na-miss ni Kris ang pag-arte, pati ‘yung marker at blocking kapag nagsyu-shoot sila.
Ayon naman kay Kris, brilliant director si Andres. Acting-wise, talagang piniga daw siya nito.
“This is my best performance ever in my life. Sa isang eksena, tumaas ang BP ko dahil sobrang intense,” said Kris.
Nag-umpisa si Andres bilang production designer. Then, naging assistant director siya ni Direk Olive Lamasan for eight years. First full-length movie directorial job niya ang “Loving in Tandem” in 2017 na pinagbidahan nina Maymay Entrata at Edward Barber.
Naudlot
Kasama si Mark Neumann sa cast ng “I Love You, Hater.” Pero parang hindi na-feel ang presence niya noong mediacon.
Isa o dalawang beses lang yata siyang natanong sa Q & A portion.
Homegrown talent ng TV5 si Neumann na produkto ng isang artista search. Sunud-sunod ang projects na ibinigay sa kanya ng TV5 noon.
Naudlot ang pagsikat ni Mark noong alisin ang entertainment programs ng TV5. Nag-guest siya sa GMA7 at inakala ng marami na magiging Kapuso na siya.
Naging kontrobersiyal si Mark noong iwanan niya ang kanyang manager. Neither here and there ang career niya ngayon.