By Dante A. Lagana
NANG minsang makapanood ang source ng TEMPO sa isang concert na napaka-successful. Naging guest ang isang singer-aktres na sumikat noong kapanahunan niya. Noon pa man kinukuwestiyon na ng karamihan ang kalidad nito sa pag-awit.
Pero dahil sa dami ng humahanga sa kanya kasama ng kanyang ka-loveteam ay tuloy ang pagiging singer niya noon. Sa ngayon active pa rin naman ang aktres dahil lumalabas labas siya sa mga teleserye.
Ang siste kasama siya sa production number ng mga totoong singer na bumibirit talaga. Isa-isa silang may mga moment sa kantang may temang feminine force. Sa mga unang singer na lumabas sa stage todo birit kuha ang taas ng awitin plakado. Laking gulat ng karamihan kasama pala doon ang aktres. Nang umawit na ang aktres sa kanyang part na kailangan itaas ang boses nilalayo ng aktres ang mikropono patunay na hindi niya kayang abutin ang nota ng awitin.
Consistent siyang nilalayo ang mikropono throughout the production. In fairness, paglabas niya ng stage siya ang talagang pinalakpakan at sinigawan among others na mga singer talaga.
Samantala, napag-alaman ng source sa bandang Eastern Visayas na ayon daw sa kanila marami ang nagtatampo sa isang talent manager na taga roon din. Nagsimula ang tampo nila sa kadahilanang bakit daw wala man lang mahandle na talent na mula sa kanyang hometown na eventually ay magiging sikat sana at ikakaproud ng mga taga roon. Pero sagot ng isang taga roon baka naman daw wala pa siyang nakikitang may potential talaga na ma-ging artista.