By Delia Cuaresma
Tuluy-tuloy ang pag-arangkada ng career ng maganda at seksing-seksing si Louise delos Reyes.
Mukhang tama ang naging desisyon niya na mag-sign ng five year managerial contract with VIVA Artists Agency.
Ang kumpanya ang nagdala sa dalaga sa ABS-CBN last year.
Ngayon nga ay sunud -sunod ang proyekto ni Louise.
Regular siyang napapanood ngayon sa seryeng “Asintado” kung saan may markado siyang role.
Kelan lang ay nagpakitang gilas naman siya sa “Ipaglaban Mo!” kung saan ginanap niya ang role ng isang rape victim.
At ngayon pa lang inaabangan na ng marami ang kanyang paglabas sa movie adaptation ng “Para sa Brokenhearted” ni Marcelo Santos III.
Marami nga ang nagsasabi na lalong nag-i-improve ang kalidad ng akting ng 25-anyos at kung ipagpapatuloy niya ito ay malayo ang kanyang mararating.
Pero kung maganda ang takbo ng career ng dalaga, taliwas naman rito ang nangyayari sa kanyang love life.
Oo, wala na sila ni Champ Lui Pio, ang matinik sa chicks na singer ng bandang Hale na dati na ring na-link kay Bianca King.
Bago nito binasag ang puso ng dalaga ng aktor na si Aljur Abrenica na umaming ‘isang buwan’ niyang syinota ang dalaga na kaka-break lang noon kay Enzo Pineda.
Dahil dito, palaisipan sa marami kung ano meron si Louise at tila malas ito sa pag-ibig.
Ano nga ba Louise?