Tila ayaw ng patulan ni Ara Mina ang mga patutsada ni Rina Navarro ukol sa diumano’y “affair’ nito sa kanyang ex na kinilalang si Dave Almarinez, president at CEO ng Philippine International Trading Corporation.
Una ng nagsalita si Navarro ukol sa isyu sa social media.
Noon ay hindi niya binabanggit ang pangalan ni Mina pero nito ngang huli ay buong tapang niyang inihayag na umamin nga daw itong aktres sa kanya ukol sa isyu.
“Closed door, yes, she admitted,” pagbubunyag ni Navarro sa Pep.
Nang tanungin kung humingi ng tawad sa kanya ang dating kaibigan, sey niya, “She said, ‘Sorry na nalaman mo, I was gonna reveal.’ Ganun. Ganun talaga ‘yun. ‘Wrong timing lang.’ Iyon.”
Nag-iwan pa nga ito ng mensahe sa nakakatandang kapatid ng kontrobesyal ding si Cristine Reyes.
Aniya, “I hope masaya ka sa nagawa mo. I’m sorry that this is coming out, but you know, the truth is out there. If you’re denying it, so be it. I don’t want to judge you, but you know the truth.”
Si Navarro ay miyembro ng Cinema Evaluation Board (CEB).
Isa rin itong movie producer. Kabilang sa mga naiprodyus niyang mga pelikula ay ang “Bonifacio: Ang Unang Pangulo” na pinagbidaahan ni Robin Padilla at ang “AWOL” starring Gerald Anderson.
Nabuking diumano ni Navarro ang relasyon ni Mina at ng kanyang ex through the latter’s mobile phone.
May anak si Navarro at Almarinez na six-month-old na lalaki.
Nakatakda na sanang m a g p a k asal ang dalawa ng sumabog ang balita.
-Delia Cuaresma