Mariing pinabulaanan ni Sunshine Cruz ang paratang na tumalon siya sa GMA-7 nang walang paalam sa ABS-CBN.
Ani mga detractors ng 41-year-old hot momma, hindi raw marunong tumanaw ng utang na loob samantalang binigyang buhay muli ng ABS CBN ang kanyang career.
Ng makapanayam namin si Sunshine kamakailan nilinaw niya, “Nagpaalam naman po kami nang maayos sa ABS-CBN. Hindi totoong basta na lang akong umalis. Hindi naman ako bastos.”
Dagdag pa niya, “Malaki ang utang na loob ko sa ABS-CBN. Nabuhay ko nang maayos ang kids ko dahil sa series na ginawa ko sa kanila. Pero kasi siguro ang hindi alam ng mga tao, non-exclusive naman po talaga ako with them and puwede ako kahit saan magtrabaho.”
Pinaalala ni Sunshine na single mom siya at siya lamang ang bumubuhay sa kanayang mga anak sa estranged husband niyang si Cesar Montano.
Aniya,“Sana maunawaan ng mga tao na I need to work, hindi ko afford na mabakante lalo na kakabukas na naman ng bagong school year.”
Excited si Shine sa pagbabalik niya sa Kapuso network via “Kapag Nahati Ang Puso,” which starts airing on July 16.
“I’m very excited and blessed na nakabalik ako dito kasi hindi lahat, alam na dito talaga ako nagsimula, sa ‘That’s Entertainment,’ and I was with ‘GMA Supershow’ din ‘di ba? And before ako ikasal merong series ‘yung GMA nu’n yung ‘L,’ kasama din ako du’n so I’m really happy to be back.”
-Delia Cuaresma