By RICA CRUZ
Good Day Ma’am Rica,
About two weeks ago, nag-sex kami nung ka-date ko. Medyo spontaneous lang kaya hindi kami prepared with any kind of contraception. Before, I used to take birth control pills pero medyo I do not feel well kapag naka-pills ako so I stopped. Uminom ako ng pills na sabi ay EC the next day at few days after pero 10 days na at parang nahihilo-hilo pa rin ako at parang nasusuka. Talaga bang ganito ang expected kong magiging pakiramdam with emergency contraception? Salamat po.
Day After
Good day din sa’yo Day After,
Ang emergency contraception or day after pill ay puwedeng maging associated sa nausea o pagkahilo at pakiramdam na nasusuka. Pero kapag medyo matagal na at extended ay puwedeng may iba pang nagiging cause ng iyong nausea kaya magandang magpunta ka kaagad sa isang health care provider o health center.
Para sa iyong kaalaman ay walang binebentang emergency contraception pills dito sa Pilipinas. Pero madaming gumagamit ng regular birth control pills as EC dahil sa mga synthetic hormones na laman nito na puwedeng magbigay ng effects ng tulad sa EC.
May ilang mga side effects ang paginom ng mga “emergency contraception pills” lalo na kung iniinom mo itong maramihan. Ito ay pagkahilo, pagsusuka, sakit ng ulo, tenderness ng breasts, abdominal pain, cramps, o diarrhea. Mga 12 percent ng mga gumagamit nito ay nakakaranas ng ganyang mga simptomas.
Pero ang mga ito ay nawawala din pagkatapos ng ilang araw. Kailangan mo din tandaan na ang EC ay dapat nainom sa loob ng 120 oras pagkatapos ng pakikipagtalik na walang contraceptive. Isipin mo kung nainom mo ito within that window dahil ang pagkahilo at pagsusuka ay maaari ding palatandaan ng pagbubuntis. Para hindi mo ito isipin, magandang gumamit na ng home pregnancy test kit.
Bottom line, mas mainam kung pupunta ka sa health center para ipatingin ang iyong kundisyon. Makatutulong ang iyong history with birth control. Maaari ka ding kumonsulta sa kung anong mas hiyang sa iyo na birth control methods and contraceptives.
Sa tingin ko, maaaring maging mas hiyang ka sa mga contraceptives na hindi hormonal kagaya ng condom at IUD. Para mas ma-enjoy mo ang sexual experiences mo without the worry of getting pregnant.
Nevertheless, lagi mong tandaan na kailangan ay protektahan mo ang iyong sarili, first and foremost! #takeitfromthesexymind.
With love and lust,
Rica
* * *
If you have questions on love and sex that you want me to answer, you may message me at www.facebook.com/TheSexyMind or DM me at IG and Twitter @_ricacruz.
Biography: Rica Cruz is a Licensed Psychologist, Marriage Counselor, and, Sex and Relationships Therapist. She comes out as the Resident Psychologist on Boys’ Night Out every Thursday night on Magic 89.9.