By RICA CRUZ
Ms. Rica,
Dahil sa pabago-bagong weather condition, may time na nagkakasakit ako o nilalagnat. Pero nandun pa rin ‘yung desire ko to get off. Kaya naman minsan ay nag-mamasturbate pa rin ako. Gusto ko lang sanang malaman if may negative effects ang pagma-masturbate while not feeling well. Sabi kasi nila nakakababa daw ito ng immune system at puwede pa ako mabingi. Totoo po ba ‘yun?
Saturday Night Fever
Hi Saturday Night Fever,
Totoong high risk tayong lahat na magkasakit because of the weather. Kaya kailangan talagang bigyan ng atensyon ang ating health and immune system.
Para sa mga lalaki, mayroong evidence na may nutrients na nawawala during ejaculation pero parang mas malaki ang health benefits ng masturbation than the amount of nutrients that you lose. Sa mga babae naman ay walang research tungkol sa nutrient loss through the vaginal fluids.
Ang alam nating ilang benefits ng masturbation with both genders ay ang mga sumusunod: Muscle relaxant, nakakatulong sa pagtulog, pagbabawas ng stress, pagiging mas pamilyar sa iyong katawan at preference, nakakapagpaganda ng mood at self-esteem at nakakapataas ng immune system sa mga lalaki.
Makikita mo na nagkakaroon ka ng ganitong mga benefits during masturbation without side effects or the risk of having an infection. At libre pa! May mga research pa ngang dumadami ang ibang types ng white blood cells during masturbation and orgasm na na kakatulong sa iyong resistensya.
Ang mga nababawasang nutrients during ejaculation sa mga lalaki ay kagaya ng zinc, copper, at ilang vitamins. Makatutulong siguro na sabayan mo ng paginom ng multivitamins or supplements kung patuloy ka pa ring magmamasturbate despite your feeling under the weather. Pero ‘wag kang mabahala, ang iyong pagsasariling sikap ay hindi dapat ma-isang tabi dahil lamang hindi maganda ang iyong pakiramdam. Baka nga mas makatulong pa ito. Hindi ka rin mabibingi dahil pinasasaya mo ang iyong sarili.
Despite the science behind this, pwede mo rin itong idiscuss sa iyong doctor para mabigyan ka ng proper medication or supplement. Sana’y guminhawa na ang iyong pakiramdam at maging masaya pa ang iyong sex life, solo man or may partner! #takitfromthesexymind
With love and lust,
Rica
* * *
If you have questions on love and sex that you want me to answer, you may message me at www.facebook.com/TheSexyMind or DM me at IG and Twitter @_ricacruz.
Biography: Rica Cruz is a Licensed Psychologist, Marriage Counselor, and, Sex and Relationships Therapist. She comes out as the Resident Psychologist on Boys’ Night Out every Thursday night on Magic 89.9.