Dear Ms. Rica,
Balak na po namin ng girlfriend ko mag-sex for the first time. Pero gusto po namin malaman kung saang butas ba dapat ilagay ang penis? At gaano rin kaya kalalim ang maaabot nito? May matatamaan po ba ako? Masasaktan ba kami?
Salamat!
No Brainer
Hello No Brainer,
It’s a good thing na curious kayo pareho ng girlfriend mo sa kaniyang sexual anatomy at kung ano ang nangyayari during penile-vaginal penetration. Kung gusto niyo, mas magandang iexplore niyo muna ang katawan ng isa’t isa bago kayo mag-intercourse. Parang nag-aaral lang. Exciting di ba? Pwede niyo rin itong gawin as part of your foreplay.
Okay, so kapag tinignan mo ang genitals ng girlfriend mo, ang nakikita mo ay tinatawag na vulva, or the outer genitals of females. Ang iba pang parts ay tinatawag na inner at outer labia, tip of the clitoris, clitoral hood, opening of the urethra (kung saan lumalabas ang ihi), at opening of the vagina.
Kapag kayo ay mag-intercourse na ng girlfriend mo, ipapasok mo ang penis sa loob ng vagina. Mararamdaman mo dito ang soft tissue kung saan gawa ang vaginal walls. Iba iba ang haba ng vagina depende sa babae, at ang dulo nito ay tinatawag na cervix. Ang cervix ay ang entrance to the uterus o matres ng babae. Kapag may naramdaman ka na natatamaan habang kayo ay nagse-sex, pwedeng ito ay ang cervix ng iyong girlfriend. Minsan, pwede itong masakit or may ibang sensation para sa babae.
Having sexual intercourse may be uncomfortable, lalo na during the first few times na inyong gagawin, pero hindi naman ibig sabihin nito na masasaktan kayong dalawa palagi. Katulad ng sinabi ko, pwede kayo magexplore at dahan-dahanin muna ang isa’t isa, para mas maging enjoyable ito for you both.
Para mas ma-lessen ang discomfort at pain, make sure that you guys spend time in foreplay. Huwag din kayo mahiya sa isa’t isa. Alamin niyong dalawa kung ano ang gusto niyo para mas enjoyable at intimate ang inyong first time! AND…don’t forget to use lubrication and protection. Better to be safe! #takeitfromthesexymind
With Love and Lust,
Rica
* * *
If you have questions on love and sex that you want me to answer, you may message me at www.facebook.com/TheSexyMind
(Biography: Rica Cruz is a Licensed Psychologist, Marriage Counselor, and, Sex and Relationships Therapist. She comes out as the Resident Psychologist on Boys’ Night Out every Thursday night on Magic 89.9.)