KUMPIRMASYON na lang mula kina Carlo Aquino at Angelica Panganiban na nagkabalikan na sila ang hinihintay ng kanilang fans and supporters para matuldukan na ang katanungan sa tunay na namamagitan between them.
Kinilig ang netizens sa kumalat na kissing photos nina Carlo at Angelica sa socmed. Anila, hindi raw nila gagawin ‘yun kung hindi pa sila nagkabalikan. May point naman ang netizens.
So, ano na nga ba ang the truth and nothing but sa estado ng kanilang relasyon? Together again ba sina Carlo at Angelica?
Happy
Hinihintay din ang pag-amin nina Arjo Atayde at Maine Mendoza sa tunay na namamagitan between them. Sa isang interbyu, sinabi ni Arjo na masayang-masaya ang kanyang lovelife.
Happy and inspired naman ang sagot ni Maine nang matanong siya about her lovelife. So, ‘yun na! Alam n’yo na.
Wait na lang tayo sa kanilang confession soon. Mahirap naman kasing itago ang mga nararamdaman nila para sa isa’t isa. Ilang beses na ang public sightings kina Arjo at Maine na hindi naman nila itinatanggi.
Love, love, love ang dapat mangibabaw at hindi ‘yung kung ano’ng sasabihin ng kanilang bashers/haters. Be merry this Christmas, di ba Armaine (Arjo, Maine)? Give love on Christmas Day, ayon nga sa lyrics ng isang Christmas song.
Bait-baitan
Walang pahayag sinuman kina Cesar Montano at Teresa Loyzaga kaugnay ng diumano’y attempted suicide ng anak nilang si Diego Loyzaga. Itinanggi naman ‘yun ni Diego.
Tanong lang ng viewers ng “Los Bastardos,” kasama pa ba si Diego sa cast? Sayang daw kung tuluyang mawawala siya. Eh, kauumpisa pa lamang ng naturang serye.
Si Teresa naman, patuloy na kinamumuhian ang karakter niya bilang Olivia sa “My Special Tatay.” Bait-baitan, pero pailalim gumawa ng paraan para idiin si Boyet (Ken Chan) sa kasong attempted rape na isinampa ng mag-inang Sheila (Cheska Diaz) at Grace (Barbara Miguel). Magkakakutsaba ang tatlo para makulong si Boyet.
Magtagumpay kaya sila? O, mananaig ang katotohanan at hustisya kay Boyet? Tutok lang sa mga kaganapan sa MST sa GMA Afternoon prime.