NAGSALITA na ng tapos si Willie Revillame na hindi siya kakandidato sa 2019 mid-term elections. Hindi raw niya maiiwan ang “Wowowin.”
Pero may umiikot na namang tsismis na diumano, iiwan na ni Willie ang “Wowowin.” Nakapag-desisyon na raw siya na pasukin ang pulitika.
Ayon sa tsika, ayaw tantanan ng ilang pulitiko si Willie. May mga humihikayat daw na kumandidato siya bilang mayor ng QC.
Kapag nakapag-desisyon na raw si Willie ay maihahabol pa rin ang kanyang kandidatura sa bisa ng substitution. Hanggang Nov. 29 daw ‘yun dahil hindi siya nakapag-file ng Certificate of Candidacy.
May ilang araw pang hihintayin para malaman natin kung kakandidato nga ba o hindi si Willie. Abang-abang na lang.
Birthday boy
Sa Japan nag-celebrate ng kanyang 24th birthday si Kristoffer Martin kasama ang non-showbiz girlfriend niyang si Alyssa Celine (AC) Banzon.
November 20 ang birthday ni Kristoffer at regalo niya sa kanyang sarili ang Japan trip na ‘yun.
Huli siyang napanood sa “Victor Magtanggol” at nagtatanong ang kanyang fans and supporters kung ano’ng next project niya sa Kapuso Network. May parinig si Kristoffer na bigyan naman siya ng pagkakataong maipamalas niya ang kanyang kakayahan.
May blind item noon na diumano, hinihintay lang ng isang young actor matapos ang seryeng kinabibilangan nito at mag-o-ober da bakod na ito. Ikaw ba ‘yun Kristoffer?
Pasaway
Sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali pa rin ang magkasama sa Christmas Station ID ng GMA Network. May ginagawa rin silang pelikula, kaya hoping pa rin ang BiGuel fans na magkakabalikan sina Miguel at Bianca. Kaya?
Eh, lantaran na ang pagsasama nina Ruru Madrid at Bianca. Spotted nga sila together sa isang restaurant sa Japan kamakailan. Magkasama rin sila nagbakasyon sa Siargao.
How true na diumano, pinagsabihan sila ng GMA management na maging discreet sa kung anumang namamagitan between them para hindi masira ang BiGuel love team? Pero pasaway sina Ruru at Bianca na hindi maawat sa pagsasama off-camera.
May matching tattoos pa sila at matching necklaces. Wala naman silang inaamin sa estado ng kani-lang relasyon.