TILA kailangan pa matuto ni Iñigo Pascual kung paano umunawa at magbigay pasensiya lalo na pagdating sa bashers.
Aba’y nakipagsagutan ba naman ito sa isang unknown netizen kamakailan!
Ang siste, pinuna kasi ng basher itong si Iñigo ukol sa kanyang fez at talent.
Agad naman sinagot ito ni Iñigo ng, “Patingin nga ng mukha mo… lmao.”
Dagdag pa ni Iñigo na tila may pangungutya, “Alam kong mahal mo ko… obssessed na obssessed ka sakin.”
Hindi rito nagpakabog ang basher. Bagkus sinagot pa si Iñigo na hindi niya kailangang ipakita ang mukha niya dahil hindi naman siya artista.
“No need kahit naman panget ako di naman ako artista e ikaw di ka naman gwapo pero ang lakas ng loob mong mag showbiz,” aniya.
Taray, diba?
Sinagot pa rin ito ni Iñigo na, at least daw may ginagawa siya.
Oo nga naman. Diba pinasikat niya nga ‘yung “Dahil Sa’yo?”
Well, hindi ito enough sa basher.
Binanggit nito na kung hindi daw anak ni Piolo Pascual si Iñigo ay wala itong puwang sa showbiz.
Bumuwelta naman si Iñigo ng “Inggit ka?”
Sa huli, sinabi ng basher na umuwi na lang daw si Iñigo sa US dahil mas marami pa raw talented na artista kesa sa kanya.
Aray ko!
Sagot ni Inigo, “Bat ako papapigil sa tulad mong di naman kaya ako harapin…”
In any case, bago tuluyang magkainitan, si Iñigo na rin ang nagtapos ng word war nila by saying, “Okay tapos ko na aliwin sarili ko sa basher na to. Balik na ko sa ginagawa ko… hahaha.”
Hay naku…like father, like son? (Delia Cuaresma)