UMAMIN na si Jake Zyrus sa usapin ukol sa alleged engagement nila ng kanyang girlfriend na si Shyre Aquino.
Sa latest segment ng “I Know Right,” isang thumbs up ang isinagot ni Jake Zyrus nang tanungin siya dito.
Ayaw niya lang daw gawing big deal ito pero “when somebody asks of course we say it…”
Hindi na nagbigay ng detalye ang kontrobersyal na singer lalo na ang hinggil sa actual date ng kanilang engagement.
“Regalo niyo na sa amin. ‘Yun ‘yung naiba sa relationship na ‘to and I enjoy it so much. Masaya ako na alam niyo, pero masaya ako na we have some things na kami lang ang may alam,” aniya.
Sigurado na daw si Jake kay Shyre.
Diin nga niya, “This is totally different from past (relationships). Usually sa isang relationship, first year pabebe ka pa. First month pa lang ng relationship namin naging kumportable na ako sa kanya.”
Ni-relate din ni Jake kung paano naging sandalan niya si Shyre.
“Nung time na nag-top surgery ako siya ‘yung nag-alaga sa akin. Sinabi ko na I was going to transition… Nakilala niya ako nung Charice ako at ang sabi niya sa akin mahal kita kasi ikaw yan.” (DELIA CUARESMA)