HINDI raw masabi ng singer na si Jaya kung tama o mali ang pag-post ng kaibigan niyang si Janno Gibbs sa social media ng mga hinaing nito sa ABS-CBN.
Nakarating kay Jaya ang pag-emote ni Janno sa hindi pagkakasama sa Christmas Station ID ng naturang network.
Kilala raw ni Jaya si Janno bilang expressive na tao. Ito raw ang dahilan malamang kung kaya’t nasabi nito ang nararamdaman sa social media.
“Lahat tayo puwedeng mag-post (sa social media), so nung ginawa niya yun, hindi ko alam kung anong ire-react ko kasi damdamin niya ‘yun.
“That is his emotions, his feelings, his decision to post something that has to do with his feelings.
“Kung anong gusto niyang gawin, kung ano ‘yung tama at mali, kanya ‘yun.
“I cannot really comment on it na mali or tama.
“I love him as a brother, as a co-worker. I respect him as an artist. Nauna siya sa akin after all. Isa siya sa mga inidolo ko,” sey ni Jaya.
Unlike Janno, hindi raw mahilig maglabas ng kanyang hinaing or mga problema sa social media si Jaya.
Ito raw ay dahil “kapag nag-rant ka online, ang hirap nang bawiin kapag nagkaroon ng negative effect sa iba.
“Kapag may problema, I talk to people na may kinalaman sa career ko because their opinion matters to me—my managers, my handler, people I work with. And I do it in silence,” pagtatapos pa ni Jaya. (RUEL J. MENDOZA)