Hi Ms. Rica,
Ask ko lang po about po sa inverted na nipple since nagdalaga po ako dumating po kasi ‘yung time na napansin ko nga po na lubog po yung isang nipple ko normal lang po ba ‘yun? Isa pa pong napansin ko ay minsan, nangangati po ung nipple ko at may amoy po siya. Ano po kaya ito?
Nips
Hi Nips,
Normal lang magkaroon ng inverted nipples pwede ito maging permanent or temporary depende sa iyong katawan. Wala namang medical problems na associated sa pagkakaroon ng inverted nipples.
Pero may mga babaeng nahihirapan magpa-breast feed kapag may inverted nipples dahil hindi maka latch nang maayos ang baby. Pero hindi naman lahat ay nakakaranas nito.
Ang mas nakaka-alarma sa iyong sitwasyon ay ang pagkakaroon mo ng makati at may amoy na nipple. Pwede kasing maging signal ito ng infection o iba pang medical condition katulad ng allergy, dermatitis, galactorrhea, o di kaya ay cancer.
Mas makakatulong kung ikaw ay magpunta agad sa doktor para makapagpa-check up.
Maiging naliligo ko nang madalas. Pero pwede ring sanhi ng pagkati ang sabon na iyong ginagamit lalo na kung mayroong ito harmful chemicals. Pwede ring maging dahilan ang sabong panlaba na iyong ginagamit.
Makakabuti rin kung ikaw ay madalas na magpalit ng iyong bra para hindi ito tinutubuan ng bacteria.
Dahil hindi tayo sigurado kung ano talaga ang iyong nararamdaman, mas importanteng magpatingin kaagad sa doctor para hindi ito lumala pa. Good luck!
With Love and Lust,
Rica
* * *
If you have questions on love and sex that you want me to answer, you may message me at www.facebook.com/TheSexyMind or DM me at IG and Twitter @_ricacruz.
Biography: Rica Cruz is a Licensed Psychologist, Marriage Counselor, and, Sex and Relationships Therapist. She comes out as the Resident Psychologist on Boys’ Night Out every Thursday night on Magic 89.9.