PINABULAANAN ni Barbie Imperial ang tsismis na magkarelasyon na sila ni JM de Guzman sa tunay na buhay.
Ito ay base sa kanyang tweet kamakailan lang.
Sabi niya, “Uy hindi pa po kami ni JM ah!”
Rektang sagot ito ni Barbie sa tweet ng isang netizen na nagsabing naging magkarelasyon sina Barbie at JM.
Matatandaang nagkaroon ng alitan ang dalawa na pinag-usapan sa social media.
Inulan pa nga ng pambabatikos si JM matapos akusahan ng ilang netizens na pinaasa lang nito si Barbie dahil sa diumano’y pakikipagmabutihan nito kay Rhian Ramos.
Si Rhian ay naging leading lady ni JM sa pelikulang “Kung Paano Siya Nawala,” na ipinalabas nitong nakaraang Nobyembre.
Mariing pinabulaanan nina JM at Rhian ang intriga nguni’t tila ayaw maniwala ng mga fans sa kanila.
Natigil lang ang bashing nang magka-ayos nga itong si Barbie at JM mid-December. (DELIA CUARESMA)