KASAMA ang pag-travel sa iba’t ibang lugar sa mundo ang gustong gawin ng Pambansang Bae na si Alden Richards para sa taong 2019.
Nabanggit nga niya na ang dalawa sa pinakagusto niyang puntahan ay ang Iceland at Croatia.
Gusto raw kasing puntahan ni Alden ang set ng sikat na HBO series na “Game Of Thrones” na matatagpuan sa Dubrovnik, Croatia.
Pahayag ni Alden, “Dun nila ginagawa ‘yung mga eksena for Westeros (one of the four continents in the series). Gusto ko makita ‘yung King’s Landing.”
Obviously, big fan si Alden ng naturang series na magpa-final season na sa taong ito.
Sa katunayan, may mala-king collection ng “Game of Thrones” toy figurines si Alden na ang iba ay regalo pa sa kanya ng mga fans.
Dahil sa malaking collection niya ng “Game of Throne” characters at Marvel hero characters, balak na magpagawa ni Alden ng isang underground glass chamber para doon niya mape-preserve ang mga collection niya.
“Ang balak ko na lang po kasi gawin is to get the lot beside our house, and then extend the house para dun na din po malapit. (Pero) under negotiation pa po ito,” sey ni Alden.
Anyway, nakapag-research na raw si Alden ng puwedeng tour sa Croatia at meron siyang nahanap na pitong klaseng tours. Isa rito ay ang Daily Tour Dubrovnik na magsisimula sa Arboretum Trsten, kunsaan makakapaglakad ka sa King’s Landing.
Aniya, the package, which includes transfers, an English-speaking tour guide, and tickets to Arboretum, Lovrijenac, and Lokrum Island ay nagkakahalaga lang ng costs 130 € or or P7,802.
Eh sa laki ng kinikita ni Alden, we’re sure mani lang sa kanya ito. (RUEL J. MENDOZA)