IBINUNYAG ng magaling na aktor na si JM de Guzman na mas nauna siyang naging music lover bago siya na–in love ng todo sa craft ng acting.
Ibinahagi niya sa kanyang panayam ng radio DJ na si DJ Rapido ng Pinas FM 95.5: “Mga 7 kumakanta na ako pero bata rin ako nung na-in love ako sa acting.”
Sinabi rin niya na isa siyang emotional na tao.
Napagusapan din ang genre ng kanyang inaawit. “Ang hilig ko mga chill lang mga Jack Johnson, John Mayer, parang nagkukuwento, parang may istorya, na hindi siya usually talagang kinakanta ng sobrang ayos pero parang may kinukuwento ka lang,” saad ng aktor.
Nanalo nga pala na Best Song ang kanyang ininterpret na song sa 2018 Himig Handog na pinamagatang “Sa Mga Bituin Na Lang Ibubulong.”
Shinare ni JM na minsan din siyang na heartbroken.
“Umabot sa point na naparalisa ako walang ganang kumain nakahiga ka lang. Walang nagiinteres sayo kahit kaibigan mo, pagkaing paborito o ano nakahiga ka lang as in ang lungkot mo lang,” pagbabahagi ni JM.
Kapag sa ganitong situwasyon daw madalas pagsusulat lang ang kanyang ginagawa.
Inimbitahan din ni JM ang mga listeners sa kanyang nalalapit na concert na magaganap sa Feb. 1, sa Music Museum dubbed “JM de Guzman Love Goes On.”
Kasama sa magiging guests niya ay sina Glaiza de Castro, Kean Cipriano, Arci Muñoz, Six Part Invention at iba pa.
Asahan na may mga mellow, upbeat rock, and alternative songs siyang gagawin dahil yun usually ang hilig niyang kantahin.
Pahabol ni JM na mayroon siyang bagong album at tapos na nila iyon. May movie rin silang patapos na ni Arci Muñoz at soap opera na mag-i-istart nang magtaping.
Natapos ang panayam sa kanya ng DJ sa pagpapasalamat sa Panginoon sa lahat ng mga blessings, chances, and strength. “Siya lang yung pinaka gusto kong pasalamatan dahil Siya rin naman yung umiikot-ikot sa pamilya ko at sa mga kaibigan ko para suportahan ako, alam ko Siya lang talaga,” pagtatapos ni JM. (DANTE A. LAGANA)