ANO itong naulinigan namin na mag-o-ober da bakod na ang Kapamilya actress na si Jessy Mendiola sa GMA Network?
Wala pang direktang kumpirmasyon mula sa dalaga pero ipinahiwatig na ito ni Arnold Clavio sa “Sino” sa “Dobol B.”
Ayon sa brodkaster, tila hindi na masaya ang aktres sa takbo ng kanyang karera sa Dos. Ramdam raw nito na napag-iiwanan na siya ng mga kasabayan gayong isa siya sa mga ibini-build up na star ng kumpanya noon.
Nagkalamat ang imahe ni Jessy ng masangkot sa ilang isyu kabilang na rito ang kontrobersyal na hiwalayan nila ng aktor na si JM de Guzman, pati na rin ang love triangle sa pagitan nila ni Angel Locsin at ngayon nga ay boyfriend niya na si Luis Manzano.
Hindi maubos-ubos ang bashers ng 26-year-old na tisay na nagresulta umano sa kanyang pagka-depress.
Bihirang makita si Jessy sa telebisyon ngayon kung kaya’t sa social media na lamang siya gumagawa ng ingay sa pamamagitan ng pagpo-post ng kanyang halos hubad na katawan.
Siyempre, all-out support naman ang nobyo nito na walang puknat sa pagla-like ng mga larawan ng kanyang “haw haw.”
Palagi din itong nakasalag sa mga mapanakit na komento ng mga netizens, na minsan pa’y nagreresulta sa maaanghang na palitan ng mga salita.
Well, kung totoo man ang balita ng paglipat ni Jessy, nawa’y umalagwa muli ang kanyang karera.
Umalagwa daw o! (DELIA CUARESMA)