IBANG klaseng salubong ang inihanda ng aktor na si Coco Martin sa Pasko ng Pagkabuhay.
Gamit ang Instagram, nagsalita ito laban sa mga taong diumano’y walang magawa kung hindi manira ng kapwa.
Hindi lingid sa lahat ang usap-usap na siya raw ang ama ng batang sinilang ni Julia Montes.
Halatang galit si Coco sa kung sino man ang kanyang pinatatamaan.
Ito ang unedited statement ng “Ang Probinsiyano” star:
“Sabi ng Lola ko nung bata pa ako mag sumikap ka sa buhay para matupad mo lahat ng mga pangarap mo at makatulong ka sa pamilya mo at pagkatapos tumulong ka sa iyong kapwa.
“Mahirap lang ang buhay namin simple pero mapayapa. hindi kami ng aapi at ng aagrabyado ng tao at lalo hindi po kami nakikielam ng buhay ng ibang tao.
“Sabi sakin ng Lola ko ang mga tao mahilig pag usapan ang buhay ng ibang tao ay ang mga taong walang magawa sa buhay nila kaya kaysa ayusin nila ang buhay nila at alagaan ang kanilang mga anak ang kanilang mga magulang mag sumikap sa kanilang trabaho at mag aral ng mabuti mas inilalaan nila ang oras at panahon nila para pag usapan ang buhay ng ibang tao para manira!
“Ang hindi ko pagkibo at hindi pagpatol sa mga bagay na hindi kauunlad ng ating bayan ay hindi kabaklaan.
“May kanya kanya tayong buhay at tayo ang may dedesisyon kung pano natin patatakbuhin ito at sa aking palagay wala akong nagawang masama sayo kung sino kaman hindi ko kailangan ang mga masasakit na opinion mo!
“Nagtatrabaho lang ako at may meron din akong pribadong buhay wag nman sana ang buhay ko ang pagkwentuhan nyo dahil hindi interesado ang buhay ko.
“Mas maganda siguro humanap tayo ng ibang kapakipaki nabang na paguusapan para sa ating lipunan para may maiambag nman tayo sa ating bayan!
“Salamat sa pagbigay mo ng panahon para pagusapan ang buhay ko.
“Ang trabaho ko ay umarte at bigyan ng buhay ang mga character na ginagampanan ko.
“Tahimik po ako na nagtatrabaho at namumuhay kaya mas makakabuti siguro ang buhay mo nalang ang ikwento mo sigurado ako mas intersante ang buhay mo!
“Sana lang bago ka mawala sa mundo alam mo sasarili mo na may naibahagi kang kabutihan sa iyong kapwa hindi puro paninira!
“Pasensya kana ang desisyon ko ay panatiliin tahimik ang buhay ko at sana naiintindihan mo!!! God bless.”
‘Yun na! (DELIA CUARESMA)