ANG column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!
* * *
Hi Alex,
Napadalas ang lindol ng mga nakaraang linggo at maraming mga tao ang natakot. Sanay na ang ibang bansa tulad ng Japan at Taiwan sa lindol kaya naman nakahanda sila sa mga ganitong pagkakataon. Pero ang Pinoy, bihira makaranas ng malalakas na lindol. Kaya nga usong-uso ang biruan na kapag lumindol sa Pilipinas, kailangan mo muna tignan ang Facebook para masigurado! Kailangan mo muna tanungin ang mga kaibigan para makumpirma!
Ang tanong ko, ano ba ang sanhi ng lindol?
Marco ng Marikina
Hi Marco,
Madaming sanhi ng paglindol. Isa ang eh ang pagalaw ng fault sa ibabaw ng bahagi ng mundo. Ang totoo Marco eh ayaw kong pag-usapan ang lindol dahil takot ako sa lindol! Bata pa lang ako eh madalas akong makaramdam ng lindol. Natutulog kasi ako sa tabi ng Nanay at Tatay ko. Kapag hatinggabi, madalas na may lindol. Nagigising nga ako sa ungol ni Nanay at Tatay. Umuungol siguro sila dahil sa takot sa lindol. Mabilis lang naman ang lindol. Nagtataka nga ako dahil kapag wala si Tatay, wala rin lindol. Magdasal na lang tayo na maging ligtas ang lahat sa mga darating na sakuna.
* * *
Hi Alex,
Malapit na ang eleksyon. Gusto ko ng bumoto. Pero ang nakakainis eh yung linalagyan ka ng indelible ink sa daliri. Nakakainis kasi nakakadumi ng kuko! Sayang ang manicure! Bakit ba kailangan lagyan ng indelible ink ang daliri natin kapag eleksyon?
Fatima ng Cubao
Hi Fatima,
Nilalagyan ng indelible ink para maiwasan ang pagboto ng dalawang beses. Dati kasi, ng wala pa ang indelible ink, may mga bumoboto ng dalawang beses. Nakakainis pero dapat sumunod lang tayo! Para naman ito sa malinis at walang daya na eleksyon. May mga kakilala nga ako, mas matindi ang na-experience sa indelible ink. Pagkalagay sa daliri niya, naipasok niya sa ilong niya! Ayun, ilang araw siyang may indelible ink sa ilong! May iba naman, sobrang dami ang nailalagay na indelible ink, buong daliri! Akala mo tuloy alien siya! Kung naiinis ka na may indelible ink sa daliri mo, putulin mo!
* * *
Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: [email protected]
facebook/twitter/instagram: alexcalleja1007