ANG column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!
* * *
Hi Alex,
May kaibigan akong nangutang sa akin ng pera. Pagkatapos ko siyang pautangin, hindi na siya nagpakita sa akin. Isang taon na halos ang nakalipas at hindi na siya nagbayad sa akin. Ngayon, nagparamdam ulit siya. Kaya pala siya nagpaparamdam eh dahil uutang siya ulit! Papautangin ko pa ba siya ulit Tito Alex?
Milo ng Bacoor
Hi Milo,
Ganito lang yan. Halimbawa may isa kang kaibigan na pinahiram mo ng kutsilyo. Pagkatapos mo pahiramin ng kutsilyo, sinaksak ka nito. Pagkatapos kang saksakin, nawala siya ng matagal! Pagkatapos ng isang taon, nagpakita sa’yo at nanghihiram ulit ng kutsilyo. Sa tingin mo, ipapahiram mo ba ulit ang kutsilyo mo sa kanya? Yan ang sagot ko!
* * *
Hi Alex,
May kaibigan akong mahilig magsabi ng spoiler ng isang pelikula. Ang spoiler eh yun nagkwekwento ng mga nangyari sa pelikula. Halimbawa kung may namatay, ikwekwento niya yun! Two weeks ago, spoiler ng Avenger End Game ang kinuwento niya sa akin! Nainis talaga ako dahil hindi ko pa napapanuod eh nagkwento na siya! Ano ba ang gagawin ko sa kaibigan kong ito?
Matt ng Makati City
Hi Matt,
Nakakainis talaga ang mga taong mahilig magkwento ng spoiler! Pero hayaan mo na, kung hindi mo siya maiiwasan, gantihan mo na lang! Kapag birthday niya at o kaya may birthday siya na gusto niyang gawan ng surprise party, sumama ka, tapos sabihin mo sa birthday celebrant yung surprise para masira ang plano niya! Kapag ikakasal naman siya at magproproposed siya, ikaw din ang sumira ng proposal niya! Kapag may sakit siyang malubha, unahan mo ang doctor at ikaw ang magsabi sa kanya! Abang-abang ka lang at makakaganti ka dyan sa kaibigan mo!
* * *
Hi Alex,
Ninakaw ang side mirror ng kotse ko! Bibili na ba ako ng bago or hanap na lang ako ng second hand sa Banawe?
Dondon ng Malabon
Hi Dondon,
Huwag kang bumili ng bago dahil mananakaw na naman ito! Bumili ka ng second hand sa Banawe! Malay mo, swertehin ka, yung mabili mong second hand, yun yung ninakaw sa’yo, eh di parang hindi ka rin nawalan!
* * *
Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: [email protected]
facebook/twitter/instagram: alexcalleja1007