ILANG artista ang umalma sa post ni Jimmy Bondoc kamakailan hinggil sa kasiyahan niya na makitang magsara ang isang istasyon.
Hindi man nagbanggit ng pangalan si Jimmy, marami ang kumbinsido na ang ABS-CBN ang pinatatamaan niya.
Una nang umalma si Angel Locsin na tahasang sinabing “pure evil” ang hangaring ito ni Jimmy.
Ayon sa post kasi sa social media ni Jimmy na kasalukuyang nanunungkulan bilang Assistant Vice President for Entertainment ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), “excited” na siya makita ang pagsasara ng network na tinawag niyang “snake pit,” kung saan “success is based on politics and sexual favors.”
Kung si Jimmy ang paniniwalaan, sinira diumano ng network ang “art and culture” pati na rin daw ang “moral fiber” ng bansa.
Alam daw niya na marami ang magagalit dahil sa post niya pero wa raw siya care.
Bwelta naman ni Angel: “The network might not be perfect but for you to be happy about thousands of people losing their jobs is pure evil. Maybe you’re just having a bad day. I will pray for you.”
Dagdag pa niya, “Nung sumikat ka ba may na experience ka na sexual harassment? If yes I encourage you and all the victims to report this to the police. But generalizing that sexual favor is a prerequisite to success is just wrong.”
Hindi natinag rito si Jimmy bagkus sinagot pa si Angel.
Aniya, “Mam Angel, all due respect to you. In my opinion, it was not a generalization, but rather recognition of its existence.
Marami pang sinabi si Jimmy pero ang bottomline niya: “The post was not meant to apply to the artists or the hapless employees. It is about the system, and the consequences of the unwarranted benefits that I BELIEVE this network has received from past administrations. But of course, I expected the negative reactions. So be it.”
Sinagot pang muli ito ni Angel na sa kahulihan ay nagsabi ng: “Your rant discredits the artists the truly worked hard to get to where they are…Magtulungan tayo at huwag magsiraan. Let’s not wish ill of others rather let’s look for the proper solution.”
Sumali sa usap si Sunshine Cruz na umamin na “nung panahong lugmok ako, walang pera, walang matirahan, ABS-CBN ang nagbigay ng tsansa na makabalik ang isang katulad ko…”
Dagdag pa niya, “Hindi ako kailanman magagalak na mawalan ng trabaho o pangkabuhayan ang nakararaming tao na nagtatrabaho ng maayos para matulungan ang kanilang pamilya dahil kailanman ay hindi ito tama.”
Samantala, si Angeline Quinto naman ito ang sabi: “Bilang isang singer, hindi ko kinakaya ang nakikita kong post na galing sayo Kuya. Hinahangaan pa naman din kita bilang katrabaho at bilang kaibigan. Nalulungkot ako kasi ABS-CBN ang naging pangalawang tahanan ko. Oo, hindi pa ako kasing tagal ng ibang nagtatrabaho sa estasyon na ito, pero para ganun ang maging hiling mo para sa ABS-CBN hindi ko kaya Kuya. Ang dami kong naging pamilya sa estasyon na ito at dinamay mo sila lahat.”
Hay naku, saan kaya hahantong ito? (DELIA CUARESMA)