Hi Ms. Rica,
Nagbibike po ako papunta sa trabaho para mo makatipid. Sabi ng boyfriend ko, masama daw po ang pagbibike palagi at nakakadamage daw po sa aking “pagkababae.” Totoo po ba ito?
Scared Biker Girl
Hello Scared Biker Girl,
First of all, biking is a great way for you to save money and be healthy at the same time. Nakakatulong din ito sa pagbawas ng pollution sa ating kapaligiran, kaya congratulations for being physically active.
Sa totoo lang, research on the effects of biking or cycling is very limited. May mga studies na nagsasabi na prolonged time on the bike saddle can lead to different symptoms to a female’s genitalia, katulad ng pagkabawas ng feeling sa iyong vulva area. Other symptoms include vulvar swelling and/or pain, pain during urination, and/or painful penetrative sex. Pero, hindi lahat ng babae ay nakakaranas nito. Also, kapag naramdaman ng babae ito, usually, ito ay panandalian lang, at nawawala din pagtagal. Ibig sabihin, pwede siya masolusyonan! Yay!
Sabi sa mga research, maaari daw na kapag matagal kang nakaupo sa bike ay naaapektuhan nito ang nerves at blood flow to your genital region. Pwedo itong maging sanhi ng pamamaga o kaya pagkawala ng sensations sa iyong genitalia. To avoid this, baka mas makabuti kung ipinapahinga mo ang iyong genital region from time to time. Kunyari, imbis na magbike ka dirediretso for one to two hours, baka pwede kang magpahinga every 30 minutes. Also, maaari ring makatulong ang paglalakad para maibalik sa normal ang circulation o blood flow sa iyong genital area.
Also, mahalaga din na ang bike na ginagamit mo ay best fit para sa iyong body para mabawasan ang pressure on your genital region. For example, kung kaya mo iadjust ang handlebars para maging ka-level ng iyong upuan or higher, gawin mo ito para mas matulungan kang umupo nang upright at hindi makadagdag ng pressure sa iyong vulva or “pagkababae.”Mayroon ding nagsasabi na pwedeng makatulong ang pagkakaroon ng wider and short-nosed seats kesa sa longer and narrow-nosed saddles.
As you continue to bike to work, mas makatulong din kung aware ka sa mga nararamdaman mo. Nakakaramdam ka ba ng pagkamanhid na tumatagal for more than a day? Mayroon bang unusual na pananakit sa iyong labia? Nahihirapan ka ba umihi? Kapag nagkaroon ka ng mga ganitong symptoms, you may want to go to a doctor para ikaw ay kaniyang matulungan at mabigyan ng advise.
Uulitin ko, hindi lahat ng babae ay nakakaranas ng ganitong symptomas, kaya huwag kang matakot dito. Ang importante ay maging aware ka sa nararamdaman ng iyong katawan upang maiwasan ang mga ito. Mahalaga ang pagbibike hindi lang para makatipid, pero mabuti rin ito para sa iyong kalusugan. Be safe!
With love and lust,
Rica
* * *
If you have questions on love and sex that you want me to answer, follow me on Twitter and Instagram: @_ricacruz and www.facebook.com/TheSexyMind
Biography: Rica Cruz is a Licensed Psychologist and Sex Therapist. She comes out as the Resident Sex Therapist on Boys’ Night Out every Thursday night on Magic 89.9.