BELIEVE it or not nakakatanggap pa rin ng body shaming ang seksing-seksing aktres na si Rhian Ramos.
Ito nga ang dahilan kung bakit kahit tila nakakabaliw na para sa atin ang mga kurba nito eh, hindi pa rin tumitigil sa pagwo-workout ang aktres.
Mas motivated pa nga daw siya ngayon doing so just to prove her detractors wrong.
Ang focus niya? Ang mapaganda pa lalo ang puwitan niya.
Ayon sa isang ulat sa “Balitanghali” ngayong Martes, underbutt isolation exercises daw ang kina-career na routine ni Rhian ngayon.
Pero giit ni Rhian, hindi lang para pampaganda at pampaseksi ang kanyang pag-e-ehersisyo.
Ito raw ay para sa kanyang over-all health.
Suportado ka namin diyan, Rhian! (DELIA CUARESMA)