PATI ang seksing si Arci Munoz ay nadawit na sa usaping hiwalayan nina Bea Alonzo at Gerald Anderson.
No, hindi siya ang bagong rumored third party – iba ‘yun.
Kaso may ilang fans na pilit siyang idinadawit sa usap dahil sa isang lumang interview niya sa “Gandang Gabi Vice” kung saan sinabi niyang hindi siya “mabibiktima” ni Gerald Anderson.
Ito ay sagot niya sa tanong ng host ng show na si Vice Ganda kung hindi raw ba sila magiging ex ni Gerald.
Paliwanag ni Arci, joke lang ang lahat.
“Joke ko lang ‘yon kasi never ko talagang naisip na magjojowa ako ng artista. ‘Pag nakikita ko silang lahat, para ko silang brothers,” eksplika ni Arci.
Aminado siya na noong una nagtatakaa siya kung bakit tina-tag siya ng mga fans ukol sa isyu.
“Hindi nga ako aware kasi,” aniya.
In any case, ayaw daw niyang sumawsaw pa sa usapin.
Okay, fine!