MATAGAL nang usap-usapan ang biglaang pagkawala ni Sugar Mercado sa “Wowowin.”
Merong nagsasabi na sinipa ito mismo ng main host ng show na si Willie Revillame.
Meron naman nagsasabi na umalis ito dahil na-insecure sa bagong host ng show na si Herlene o mas kilala bilang si Hipon Girl.
Natawa sa haka-haka si Sugar.
Aniya walang katotohanan ang lahat ng ito.
Siya raw mismo ang nag-desisyon na lisanin ang show.
Simple lang ang dahilan kung bakit: gusto raw niya tutukan muna ang mga anak niya.
Aniya, “Kasi siyempre ‘yung kids ko, lumalaki na, mas kailangan nila ako ngayon. Eh wala naman akong katuwang sa life. So, alam mo ‘yun, parang ‘yung oras ko, gusto ko munang ibigay sa kanila.”
Diin ni Sugar wala siyang problem kay Herlene.
Mahal daw niya ito.
“Suportado ko siya. Love ko siya. Ako talaga kahit dati pa suportado ko lahat, lalo na kapag baguhan sa showbiz,” sey niya.
Eh, si Willie?
“Sobrang thankful ako kay Mr. Willie Revillame. Sobrang nagpapasalamat ako sa kanya kasi malaki ang naitulong niya sa akin at sa mga anak ko. Mahal na mahal ko ‘yun.”
Eh di ayos! (Delia Cuaresma)