HINDI lang si Bea Alonzo ang nakaranas ng tinatawag na “Ghosting.”
Ito ‘yung bigla na lang naglaho ang jowa mo – ‘yun pala may kinakalantare ng iba.
Ayon sa aktres na si Judy Ann Santos, naranasan niya ito multiple times a long time ago.
Sey niya, “Marami na rin namang nangganyan sa akin, di lang isa. Di lang uso ang social media nung panahon kaya di nababalitaan, kaya walang lumalaki.”
Paano niya nilagpasan ito?
“E, di dedma. Kung ayaw nila, di wag. Ganun lang.”
Okay lang kung walang closure?
“Kung ayaw nila ng closure, e di wag magbigay ng closure. Di ko ipu-push ang sarili ko sa isang tao na ayaw ako.”
Nilinaw ni Juday na hindi siya sumasawsaw sa isang sikat na kontrobersya involving several actors.
“Nire-refer ko ito sa sarili ko at sarili kong experience. Wala akong pinapatamaan. It’s just my experience when I was younger.”
Ano ang maari niyang i-advice sa mga na “ghosting?”
“Di maiiwasan ang ganyang mga bagay-bagay. Challenges come in different ways, forms and sizes. It’s up to you how you will deal with it. If you have your faith and trust in the Lord, everything will fall into place.”
Amen! (DELIA CUARESMA)