SI Patricia Javier na ang official candidate ng Pilipinas sa 1st Noble Queen of the Universe na magaganap sa Dec. 1, sa Manila Hotel.
Ang dating sex goddess dapat ang official representative ng ating bansa sa Mrs. Universe 2019 na gaganapin sa Guangzhou, China mula Dec. 21, hanggang Jan 1, 2020.
Umayaw ito dahil sa takot na hindi niya makakapiling sa Pasko at Bagong Taon ang kanyang pamilya.
Ang former “That’s Entertainment” cast na si Charo Laude na reigning Mrs. Asia, ang ipinalit kay Patricia at ipadadala ng organizer ng Mrs. Universe Finest Woman sa Mrs. Universe 2019 na idaraos sa China. (DELIA CUARESMA)