UMAMIN ang singer na si Ice Seguerra sa social media na dumaan siya sa depression.
Aniya, “I was diagnosed with depression and anxiety since the early 2000’s. Did some therapy back then but I stopped taking my meds and hindi na ako nagpakita sa doctor ko (bad move). Mula noon, I just lived with it. It’s like a cloud hovering, hindi mo alam kung kelan ka tatamaan. There are days na ok lang, kaya kong dalhin. Pero may mga araw din na gusto mo na lang matapos lahat, kasi pagod ka na.”
Hindi nakatulong ang sandaling pagkakaupo niya bilang chairperson ng National Youth Commission hanggang sa mag-resign siya.
“It got worse when I resigned and went back to the industry I thought I knew. Suddenly, I felt like an outsider. Parang first timer na I had to navigate my way through things again.”
“I felt lost and displaced. For the longest time, I wasn’t really feeling anything. I was numb. The things that would normally make me happy or excite me, wala akong pakiramdam.”
Nagpatingin daw siya sa doktor muli dahil nakakaapekto na sa pamilya niya ang kalagayan niya.
“I knew I needed professional help. Bumalik ako sa doctor ko early this year and I’m glad I went back to her. I’m starting to feel things again. Mas na eexcite na ako ulit about life. Yes, there are moments na I feel sad but mas madalas na nakakaramdam ako ng saya. I have a strong support group and right now, I’m just happy to feel things again.”
Eh ‘di ayos! (DELIA CUARESMA)