PAREHONG produkto ng “Protégé’: Battle for the Big Artista Break Season 2” in 2012 sina Jeric Gonzales at Ruru Madrid. Si Jeric ang tinanghal na big winner. Runner-up si Ruru.
Sa isang recent interbyu, sinabi ni Ruru na alam naman daw ng lahat ang tunay na nanalo sa “Protégé’.”
Huh? Bakit ngayon lang siya nag-ingay? Seven years ago na ‘yun. Bitter-bitteran?
Samantala, cool lang si Jeric about it. Inisip na lang niya na baka nagbibiro lang si Ruru. Nirerespeto niya kung anuman ang paniniwala nito.
Kung tutuusin mas nabigyan nga ng magagandang projects si Ruru pero tahimik lang si Jeric.
Sa huling interbyu namin sa kanya, inamin niyang medyo nagtampo siya sa GMA. Gusto na niyang mag-rebelde. But there came a point na nabigyang-pansin din ng network ang kakayahan at potensiyal ni Jeric. Naging sunud-sunod ang projects niya.
Nagpe-pay-off na ang pagsisikap at pagtitiyaga ni Jeric. Lead role na siya sa isang upcoming teleserye, katambal si Klea Pineda.
TOMBOY?
Natsitsismis na diumano’y tomboy si Klea Pineda. Tinatawanan lang niya ito na aniya, boyish kasi siya. Mahilig sa mga larong panlalaki.
Mahilig siya sa motorbikes at car racing. Paborito niyang get-up ang t-shirt, jeans, with rubber shoes and cap.
Dream niyang maging beauty queen. Why not? Beauty queen material si Klea. Maganda, matangkad, may sexy body at talented.
NATUTUNAN
Nagtapos na kahapon ang “Dahil sa Pag-ibig” at naibahagi nina Sanya Lopez, Benjamin Alves, Winwyn Marquez at Pancho Magno ang mga natutunan nila sa show.
Si Sanya, natutunan na ang buhay ay puno ng mga pagsubok pero kailangang lumaban sa abot ng makakaya. At kung may masasaktan na, kailangang magparaya.
Sabi naman ni Benjamin, mahalaga ang pagmamahal sa pamilya. “Marriage is a lot of work. Fight for the one you love.”
Si Winwyn ang sabi, “You have to learn to let go even if you love someone, if alam mo na mali na.”
Si Pancho naman, “Being a father, you will do anything, everything for your children.”