MAGKAHALONG tuwa at kaba ang naramdaman ni Jennylyn Mercado ng malaman niya na siya na nga ang napiling leading lady ni Dingdong Dantes para sa Philippine TV Adaptation ng hit Korean drama na “Descendants of the Sun.”
Yes, kumpirmado na si Jen ang gaganap bilang Dr. Maxine de la Cruz sa serye. Ginampanan ito sa original series ng Korean actress na si Song Hye Kyo.
Nakadama ng pressure si Jen na sa kanya ibinigay ang role.
Ayon sa post niya sa kanyang Instagram account: “Minsan lang ako magpost about my projects and hindi ko napigilan ang sarili ko. I am super happy to portray Dr. Maxine de la Cruz of Descendants of the Sun The Philippine Adaptation.
“When I heard they started taping already and preparing for the soap, ako din na-curious kung sino nga napili para sa role.
“When I learned that it was me, I was overwhelmed with gratitude for GMA’s trust and also pressured since I know how big this project is I promise I would do everything to give justice to the role. I won’t let you down. Pangako.”
Bukod kina Dong at Jen, ang iba pang bahagi ng coming Kapuso series ay sina Rocco Nacino, Jasmine Curtis-Smith.
Inilabas ang announcement sa “24 Oras.”
* * *
HANDANG magbalik sa pag-aartista ni Congressman Alfred Vargas kapag natapos na ang terminino bilang representative ng 5th District ng Quezon City.
“Malaki ang utang na loob ko sa showbiz, Kung hindi sa pag-aartista ko, hindi matutupad ang pagiging public servant ko,” saad ni Cong. Alfred nang makausap namin.
Sa ilang taong paglilngkod nabigyan katuparan niya ang maraming proyekto lalo na tugkol ss edukasyon at pangangailangan ng mahihirap.
Pagdating naman sa showbiz, may natapos siyang pelikula na hopefully ay makasali sa December film festival. Ito ay ang “Tagpuan” kung saan kasama niya sina Iza Calzado at Shaina Magdayao na kinunan pa sa Hong Kong at New York City.
May special guest appearance din siya sa coming Kapuso series na “Magkaagaw” with Sunshine Dizon at Sheryl Cruz.