Hi Ms. Rica,
Bakit po na kapag may period ako, mas malibog ako. Ano po ang explanation nito? At pwede po ba ako mabuntis dahil dito?
Lustful Red
Hello Lustful Red,
Ang galing na nakakapag observe ka ng changes sa iyong libido. It’s great that you are self-aware of your body and the connection between your libido, sex drive and menstrual cycle. Sa totoo lang, according to studies, women tend to have fluctuating levels of sex drive throughout their menstrual cycle. Ibig sabihin, paiba-iba ito depende sa babae.
Ang pinakapopular na theory sa kung kailan pinakamalibog ang mga babae ay galing sa evolutionary perspective. According to this perspective, pinakamalibog ang mga babae during ovulation or kung kailan sila pinaka-fertile at pwedeng mabuntis. Usually, 14 days ito bago sila magkaperiod. During this time, dumadami ang levels of estrogen at testosterone na nakakapagpalibog sa mga babae.
Mayroon din namang theory na nagsasabing ang mga babae na nakaka-experience ng premenstrual syndrome (PMS) at ang mga may period ay may mas mababang sex drive. Typically, mood swings, menstrual cramps, at ang feeling of “gushing blood” ay nakakapagpababa ng libido.
Pero, mayroon din namang mga babae na tulad mo na mas nalilibugan tuwing red flag days. Bakit? Pwedeng psychological reason na dahil alam mong the possibility of pregnancy is reduced o mas mababa ang chance na pwede kang mabuntis during your period, pwede itong makapagpataas ng iyong sex drive! Also, ung heaviness na nararamdaman mo sa iyong pelvic region dahil sa bloodflow could translate to body arousal. At dahil may additional lubrication na mainit-init ang feeling during your period, pwedeng mas madali at mas masarap para sa iyo ang sexual penetration during this time! Hence, mas malilibugan ka! And lastly, may mga studies na nagsasabing kapag ikaw ay nag-orgasm during your period, kaya nitong i-relieve and menstrual cramps and other menstrual discomforts.
Pero take note, kapag nakipagsex ka during your period, exposed ka pa rin sa risks of getting sexually transmitted infections (STIs) and the possibility of getting pregnant. Kaya, mas maigi na gumamit ng proteksyon katulad ng condom para mas ma-enjoy ang sexy time!
With love and lust,
Rica
* * *
If you have questions on love and sex that you want me to answer, follow me on Twitter and Instagram: @_ricacruz and www.facebook.com/TheSexyMind
Biography: Rica Cruz is a Licensed Psychologist and Sex Therapist. She comes out as the Resident Sex Therapist on Boys’ Night Out every Thursday night on Magic 89.9.