BY DELIA CUARESMA
NA-MISS nyo ba si Barbie Imperial? Well, ‘wag nang malumbay at nagbabalik na siya.
And in a big way, huh?
She was chosen to be the latest calendar girl of a popular alcohol brand lang naman.
Yes, you heard it right.
Maididikit mo na sa kung saan mo gusto ang larawan ng 21-year-old “Araw Gabi” hottie na pawang naka lingerie lamang sa kuwarto, sa banyo… just in case ayaw mo makalimot sa petsa, diba?
Charot!
Sobrang sigurado kami na patok sa mga barako ang pagkakapili niya dahil tunay naman talagang nakakapang-init ng kalamnan itong si Barbie.
Maamo ang mukha pero parang may kapilyahan na tinatago.
In any case, magandang magpasabog, este pampasabog sa New Year ito para kay Barbie.
Level up ang beauty niya with the opportunity.
Hindi biro ang mga sinundan niya na pawang magaganda at seksing bituin din.
Kasama na nga diyan sina Carla Abellana, KC Concepcion, Heart Evangelista, Jennylyn Mercado, Jessy Mendiola, Ellen Adarna, Erich Gonzales, at Bela Padilla.
Ikaw na, Barbie!