KINUMPIRMA ni Daniel Matsunaga na break na sila ng Polish-model girlfriend niyang si Karolina Pisarek.
Sa isang socmed post niya, napansin ng isang netizen na hindi kasama si Karolina sa family picture ng mga Matsunaga. Nag-comment ito na parang wala na sila ni Karolina.
“Tama ka,” ang sagot ni Daniel.
Si Erich Gonzales ang huling GF ni Daniel bago si Karolina. Una niyang showbiz GF si Heart Evangelista.
Sa isang interbyu noon kay Heart, sinabi niyang magle-level up ang lahi nila at looking forward siya noon sa magaganda at guwapong magiging anak nila ni Daniel.
Tanong ng netizens, bakit daw kaya hindi nagtatagal ang mga relasyon ni Daniel? May problema raw ba sa kanya?
LILIPAT NA
Turning 33 years old si Rocco Nacino on Mar. 21 and hopefully, magse-celebrate siya sa bagong bahay niya.
Finishing touches na lang at puwede na siyang lumipat sa four-storey house na ipinagawa niya somehere sa Antipolo City.
Inumpisahan ang construction ng house in 2018 at natapos after two years. Kasama ni Rocco titira sa house ang kanyang pamilya.
Meanwhile, going strong ang relasyon nila ng girlfriend niyang si Melissa Gohing.
Sunud-sunod ang mga ikinasal at ikakasal na celebrities. Kailan naman sina Rocco at Melissa?
May mga nagtatanong, si Melissa raw ba ang dahilan kaya ayaw makatrabaho ni Rocco ang ex-girlfriend niyang si Lovi Poe?
May isyu rin noon na ini-unfollow ni Rocco si Sanya Lopez sa socmed dahil kay Melissa? Jealous GF nga ba si Melissa?
REVELATION
May revelation si Ogie Alcasid sa “Tonight with Boy Abunda.” Mahilig daw maglagay ng liniment ang misis niyang si Regine Velasquez. E, ayaw niya (Ogie) ng amoy nito, lalo na kapag sa batok ito ipinapahid ni Regine. Kapag uuwi siya ng bahay galing sa work, tinatawagan niya si Regine na huwag maglalagay ng liniment. Tinatanong din niya kung tulog na ang anak nilang si Nate kapag trip niyang mag-loving-loving sila ni Regine pagdating niya.